Sunday, October 26, 2008

Naranasan mo na bang mag GM?

GM as in Group Message sa text man o sa ym pa yan.Madali lang naman ang GM lalo na’t ikaw ang magpapadala ng message lalo na kung GM ito sa text, magsisimula lang naman ang problema mo kapag lahat ng taong pinadalhan mo ng mensahe ay magreply.Doon mo mararanasan ang FLOOD as in baha ng mensahe yung tipong hinde mo na mawari kung sino ang uunahin mong replyan sa sobrang dame lalo na’t 15 pala ang nag reply.May mga pagkakataon din namang ang mga taong kabilang sa GM mo ay yung tipong tahimik lang at nananalangin na pala na sana wala ng dumating na GM sa kanila sapagkat lowbat na sila at puno na ang inbox nila at hirap na hirap na silang magbura. Meron din namang hinde nakikisali sa GM at tanging taga tanggap lang ng mensahe ang gawain kumbaga tagabasa lang.At syempre kung mayroon tahimik lang na nakikitawa o nakikdalamhati dahil sa hatid ng GM mo ay mayroon din namang mga taong makapag GM ay walang pinipiling oras, panahon at lugar name it kahit saan basta may load at syempre dapat UNLI sya, game na game ang loka.Pero infairness naman, sa GM mo naman malalaman kung sino ang nakakamiss sayo kasi sobrang GM sya yung tipong lahat talaga ng tao kailangan alam ito. Pero hinde lang puro saya at kabaliwan ang mararanasan mo sa GM kasi narealized ko na malungkot pala ang buong maghapon ko kung wala man lang akong matanggap na GM, totoo yun nakakamiss pala.Sa kabilang banda kung sa akala nyo ay wala kayong matututunan at mapapala sa GM ay meron syempre, sa katunayan madame kang matututunan sa GM gaya ng pang-eechos sa lahat ng walang urungan kasi alam mo na sasagutin ka nila oramismo kasehodang madame silang ginagawa eh magrereply talaga sila para lang ma echos ka din nila.Dahil din sa GM ma re-realize mong kung nakakaimik lang at makakapagsalita ang daliri mo alam mong walang kagatol-katol na mumurahin ka nito sa sobrang kalyong hatid ng walang sawa mong pag text. Dumarating din sa buhay mo (sa buhay GM mo, umamin ka… oo ikaw nga!) ang punto na nanginginig na ang mga kamay mo pero wala kasehodang nanginginig pa buong katawan mo pero kailangan mo pa ring magreply at maki pag echosan dahil kung hinde ikaw ang magiging pulutan sa GMlandia kaya tuloy pa rin kahit masakit na talaga basta makapag GM lang.Nga pala dahil importanteng maka pag GM may mga taong nagpapaka mysterious effect at nagbibigay ng load alang-alang sa mga taong bigla na lang nawawala sa GMlandia kasi tapos na ang subscription nila sa UNLI, marangal silang nagpapasa at niloloadan pa nila ang mga kaawa awang nilalang at kung sino man sya ay Maraming Salamat talaga sa kanya dahil sa kanya ay tuloy ulet ang ligaya balik echosan na ulet. Yan ang buhay GM. Bow.



---
Kasalukuyang walang GM nakakabagot na naman. haha

No comments: